Vice: Tuwing Pasko may regalo ako lagi sa inyo, panata yan!!!

vice ganda

NANGHINAYANG ang direktor na si Joyce Bernal sa hindi pagkakapasok ng pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin sa 2016 Metro Manila Film Festival, ang “Super Parental Guardians” ng Star Cinema.

Sa isang panayam kay direk Joyce, sinabi nitong naka-picture-lock ang pelikula nila nang i-submit nila ito sa MMFF screening committee, “Ang picture-lock po kasi is edited siya pero hindi siya na-dub, walang music.”

Aniya dehado sila sa ibang entry dahil ang iba rito ay tapos na tapos na, “Siyempre paano ka lalaban sa mga pelikula na nabuo na talaga nila?”

Dagdag pa niya, “The movie was really for MMFF. We wanted it for Metro Manila Film Festival. Si Coco, si Vice, tsaka ako. Pero, kung anuman ‘yung gustong gawin, because something happened last year so meron silang gustong gawin for this year, parang sa akin, nirerespeto ko ‘yun. Okay sa akin ‘yun.”

Wala pang idea ang direktor kung kailan ipalalabas ng Star Cinema ang kanilang pelikula.

Samantala, isang mensahe ang ipinaabot ni Vice sa kanyang mga tagasuporta matapos malaglag sa Magic 8 ang entry sana nila ni Coco sa filmfest.

Kasabay nito, inilabas na rin ng Star Cinema ang official trailer ng movie kung saan makakasama rin nila ang mga magagaling na child stars na sina McNeal “Awra” Briguela at Simon “Onyok” Pineda.

Sa kanyang Twitter account idinaan ni Vice ang kanyang message para sa kanyang mga followers and supporters.

Aniya, “Hindi pwedeng hindi ko kayo pasasayahin sa Kapaskuhan. Taun-taon may regalo akong pampasaya sa mga bata at sa pamilyang Pilipino. Panata ‘yan!”

So, ibig sabihin, may pasabog pa rin sina Vice at Coco para sa madlang pipol ngayong Kapaskuhan.
Ngayong araw nakatakda ang presscon ng “Super Parental Guardians” at balitang sa Nov.30 na ito ipalalabas sa mga sinehan.

Read more...