‘Mano Po 7’ nina Ser Chief, Jean, Jake, Jessy uunahan na ang MMFF, ipalalabas bago mag-Pasko

jean garcia at richard yap

GUSTONG pasayahin ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang mga Pinoy kaya naman hindi na nila kailangang maghintay pa ng 2017 para mapanood ang family drama ng taon, ang “Mano Po 7: Chinoy.”

Makikipag-usap ngayong araw si Roselle tungkol sa playdate ng “MP 7”. Either Dec. 7 or Dec. 14 ang target nilang showing ng star-studded film na ito na pinagbibidahan nina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee, Janella Salvador, Jake Cuenca, Jessy Mendiola, Marlo Mortel at marami pang iba.

Magsisilbi ring early Christmas gift ng Regal ang tinaguriang biggest and grandest franchise ng family drama sa history ng local movies.

Pampamilya kasi ang “MP 7” na siyang dapat maging layunin ng Metro Manila Film Festival. Sa panahong ito gumagastos talaga ang mga tao lalo na’t nakuha na nila ang kanilang Christmas bonus mula sa trabaho. Sa dami ng problema ngayon ng bansa, ang panonood ng sine ang cheapest form of entertainment, huh!

Eh, ilang taon na rin kasi ‘yung huling installment ng “Mano Po” kaya siguradong sabik na sabik na ang mga tao sa millennial version nito.

 

Read more...