Female star pumatol sa milyonaryong negosyante; pero palihim ang relasyon

BLIND ITEM FEMALE 0415

MAY kuwentong umiikot ngayon sa mga umpukan-showbiz na may lihim na lihim na karelasyong milyonaryong businessman ang isang female personality. Ayon pa sa kuwento ay halos parang lolo na lang niya ang negosyante.

Napakalihim ng sinasabing relasyon, pero may pakpak ang balita at may tenga ang lupa, kaya meron pa ring mga impormanteng nakakaamoy tungkol sa lihim na pakikipagrelasyon ng aktres sa mangangalakal.

Matagal nang hiwalay sa kanyang mister ang aktres, mula nu’n ay wala pang nauugnay sa kanya nang lantaran, naging kontrobersiyal ang female personality sa ibang aspeto ng kanyang buhay ilang buwan na ang nakararaan.

Kuwento ng isang source, “Hindi naman siya aamin na meron siyang karelasyong milyonaryo, e! Meron na ba siyang inamin tungkol sa kahit ano? Magaling siyang magpaikut-ikot ng mga salita na ang ending, e, denial!

“Sa kahit anong isyung ibinabato sa kanya, e, papilosopo siyang sumagot. Kung minsan, napaka-emotional niya. Paiyak-iyak pa siya, drama nang drama!

“Mabilis siyang umiyak, kahit kailan niya gustong lumuha, basta feel niyang gawin ‘yun, walang makahaharang sa kanya. Kaya itong kuwento na meron siyang millionaire-boyfriend?

“Kayang-kaya niyang idenay ‘yun, isang iyak lang niya, e, nabaligtad na niya ang kuwento. Aysus, na-master na niya ang art of denial!” paninindigan pa ng aming source.

Maraming napaplastikan sa babaeng ito, mas maraming nainis sa kanya nang kalabanin niya ang isa niyang kamag-anak sa matinding pangarap nito.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mapapasigaw rin kayo ngayon ng aysus, kabarus, Vito Cruz, Sta. Cruz at iba pang mga krus!” pagtatapos ng aming impormante.

 

Read more...