Dingdong muling pinatunayan ang box-office appeal sa ‘Unmarried Wife’

dingdong dantes

MULI pinatunayan ni Dingdong Dantes ang kanyang box-office appeal matapos kumita ng P17 million sa opening day ang “The Unmarried Wife” at patuloy pa ring pini-pilahan ng mga tao sa sinehan.

In fairness, puro papuri ang ibinigay ng netizens at ng mga kaibigang nakakausap namin na nakapanood na ng pelikula sa akting nina Dingdong, Angelica Panganiban at Paulo Avelino.

Kaya hindi na nakapagtatala kung masundan pa nang masundan ang mga pelikulang nagawa ng Kapuso Primetime King sa Star Cinema. Posibleng makatrabaho rin ni Dong ang iba pang leading lady sa ABS-CBN.

Nagpasalamat din si A-ngelica kay Dingdong dahil muli itong pumayag na makatrabaho siya sa pelikula. Sa kanyang Instagram account ito ang ipinost ni Angelica, “Salamat sir @dongdantes sa muling pagbibigay ng opportunity na makatrabaho ka, na walang sawa kong kwento sa mga tao kung gaano ka kahusay sa pelikulang to. Hindi masasaktan at babangon si Anne kung hindi dahil sa husay ni Geoff.”

Samantala, narito naman ang mga susunod na eksena sa GMA Telebabad series ni Dingdong na Alyas Robin Hood after Encantadia.

Mabibitiwan ni Pepe (Dingdong) ang hawak na imbitasyon nang dumating si Bok. Biglang kinabahan sina Pepe at Jekjek (Gio Alvarez) nang habulin sila ni Bok. Certified boksingero pa naman si Bok kaya knockout si Jekjek.

Pero hindi pa rin nagpa-talo si Pepe, at hindi siya natakot na makipagbakbakan kay Bok. Sa huli, pinakawalan ni Pepe ang kanyang knock-out punch. Bagsak si Bok kaya nakatakas sila.

Dean (Sid Lucero) received the message from the carrier pigeon na alaga ni Bok. Masayang-masaya si Maggie (Cherie Gil) for her son, dahil ang ibig sabihin nito, ay malapit na silang maging kasali sa elite group ni Mama Daisy (Dina Bonnevie).

Dahil naman sa curiosity nina Julian (Dave Borneo) at Lizzy (Lindsay de Vera) sa nawawalang schoolmate nila na si April, mapupunta sila sa isang lugar kung saan pati silang dalawa ay maki-kidnap na rin ni Mama Daisy. Clueless ang dalawang teens sa gagawin sa kanila ni Mama Daisy.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ni Pepe tungkol kay Mama Daisy, makakapasok siya sa isang abandoned events venue. Dito ay makikita niya ang emblem ng Matanghari – the golden crown with the eye. Hahawakan ‘yon ni Pepe pero may papalo sa kanya mula sa likod.

Read more...