Dating Kapuso tween stars patuloy na humahataw sa GMA 7

 

NAKAKATUWANG makita na ang dating tweens ng GMA na sinubaybayan noon ng mga kabataan sa iisang show ay sabay-sabay pa ring napapanood ngayon sa telebisyon.

Hindi niluma ng panahon ang samahan nila dahil kahit may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan ay nakikita pa rin silang magkakasama at sinusuportahan ang bawat isa.

Sina Bea Binene at Derrick Monasterio ay napapanood sa fantasy series na Tsuperhero samantalang sina Kristoffer Martin at Joyce Ching naman ay sa afternoon drama serye na Hahamakin Ang Lahat bumibida, at ngayon nga ay may papalapit na ring show si Barbie Forteza.

Inaabangan na rin ang pagbabalik sa teleserye ng Pambansang Bae na si Alden Richards, kaya naman exciting talaga ang mga bagong shows ng mga dating Kapuso tween stars sa GMA Network.

Read more...