HINDI ako makapaniwala sa mga karatulang nakita ko sa media, pero totoo. Mga millenials kasama ang mga pari at madre mula sa mga exclusive Catholic schools na isinisigaw ang paghukay muli sa isang patay.
Anyare?
Sabagay, napakainit talaga ng isyung ito. Nagsimula ito nang payagan ni Pangulong Duterte noong Agosto 8 ang pagpapalibing sa dating pa-ngulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani na ipinangako niya sa kampanya. Ito raw ay para mawakasan na ang kontrobersya.
Binatikos noon si Duterte at maraming nagsampa ng kaso sa Supreme Court na nag-isyu muna ng Status quo ante order (SQAO) noong Agosto 23, na na-extend noong Oktubre 18 at Nobyembre 8. Nagdesisyon ang Korte Suprema – 9 pabor, 5 kontra, 1 abstain – na legal ang utos ni Duterte na ilibing si Marcos sa LNMB.
Maraming nabigla pero ayon kay SC spokesman Theodore Te, wala namang nagsampa ng “motion for reconsi-deration”. Kaya’t sabi ni Te, technically walang utos ang SC na ipagbawal ang libing ni Marcos.
Sa Senado, may naghain pa ng resolusyon para kontrahin ang Korte Suprema at kukuha ng 11 votes para mapagtibay ito. Pero ang lumabas, noong November 14 ay 8 pabor, 6 kontra at 6 ang nag-abstain, na sa mada-ling salita, talo.
Dahil walang MR at Senate Resolution, legal ang utos na ilibing na si Marcos lalo’t umayon na ang Korte Suprema. Petsa na lang ang pagtatalunan at sabi pa ng Malacanang within the year daw.
Pero, nitong Biyernes, sabi nga ng mga galit, “like a thief in the night” ang mabilisang paglili-bing sa yumaong diktador.
Alas-11 ng umaga nalaman ng media, at alas-12 ng tanghaling i-yon inilibing si Marcos sa isang umano’y “private soldier’s burial”.
Sabi ng Malacanang, hindi nila alam na ilili-bing agad. Sabi ni PNP Chief Bato dela Rosa, siya man ay nabigla rin.
Pero, ang preparasyon ay nilahukan ng mga pwersa ng AFP at PNP sa bisa na rin ng standing order ni Duterte.
Sumiklab ang mga protesta sa Metro Manila at lalawigan. Katakut-takot na mura ang inabot ng mga Marcoses kasama na si Duterte.
Panawagan na people power ay muli na namang umalingawngaw. At minsan pa, tahimik lamang ang mga taong nagmamasid, nag-oobserba sa mga pangyayari.
Nasaksihan ko ang 21 taong pamamalakad ni Marcos gayundin ang 30 taon ng post Edsa revolution sa panahon nina Tita Cory, Ramos, Estrada, GMA at PNoy.
Actually 51 taon na pala silang nanggugulo, walang tigil na nagbabatikusan pero bumuti ba ang kabuhayan ng mahihirap? Sabi nga, sila-sila lang lahat ang nagsiyaman. Wala ring nakukulong.
Pinapasakay lang lagi sa “adhikain” ang nakararaming mahihirap, na ang agenda ay gamitin sa eleksyon o demonstrasyon para sa pansari-ling interes sa pulitika at negosyo.
Pare-pareho lang iyang mga Dilawan at Marcoses. Sa aking palagay, bistado na sila ng sambayanang Pilipino. Alam nila kung paano manilbihan sa gobyerno ang mga Dilawan at ma-ging ang mga Marcos noong martial law.
Ngayon, eto na naman sila. Mainit na naman ang upakan sa media na ang nakikita nating direksyon ay dalawa lamang: “in aid of election” o kaya’y ang delikadong “in aid of revolution”?
Sa ganang akin, sawang-sawa na ako sa retorikang ito ng mga pro-Marcos at Anti-Marcos. Mahigit 51 taon o kalahating siglo na silang ganyan. Hindi ba pwedeng pagpahingahin niyo na ang sambayanang Pilipino at paunlarin na ang bansa natin?
Tama na, sobra na, sawang sawa na kami sa inyo pareho!
Dilawan, Marcoses: Tama na, sobra na, tigilan n’yo na kami!
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...