Karelasyon ang amo

Sulat mula kay Nelia ng Subang, Mandaue, Cebu
Dear Sir Greenfield,

Ako po ay isang katulong na lihim na nagkagusto sa anak ng aking amo. Mahal na mahal ko po siya. Twenty ang edad ko at siya naman ay twenty-three. Ang problema tutol po sa pag-iibigan namin ang mga magulang nya, kaya madalas nyang sabihin sa akin na mag-ingat na lang daw kami, at madalas ng may nangyayari sa amin. Ganon pa man po parang alam na rin ito ng magulang nya kaya balak na akong paalisin dito sa bahay. Ano po ba ang dapat kong gawin, sabi naman ng boyfriend ko kapag daw ako umalis sa bahay nila magkikita pa din naman daw kami. Itatanong ko lang po kung kami na po ba ang magkakatuluyan at compatible po ba kami? May 7, 1996 ang birthday ko at August 12, 1993 naman po ang birthday nbg boyfriend ko.
Umaasa,
Nalia Mandaque City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Medyo magulo ang unang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, ngunit pero malinaw at maganda naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin hindi ang unang boyfriend mo ang iyong makakatuluyan, kaya kung boyfriend mo na ang anak ng iyong amo at siya ang unang boyfriend mo, walang duda hindi siya ang makakatuluyan mo.
Cartomancy:
Two of Hearts, Ten of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bagamat hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong makakatuluyan, at malulungkot ka lang sa mangyayari sa inyong relasyon, sa bandang huli, mayaman at may kaya din namang lalaki ang iyong makakatuluyan, mapapangasawa at makakasama habang buhay.
Itutuloy…

Read more...