Sino ang pipiliin si first love ba o ang kasalukuyan BF? (2)

Sulat mula kay Monique ng Talaba, Bacoor, Cavite
Problema:
1. May boyfriend na po ako sa ngayon at ayos naman ang relasyon namin. Kaya lang nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan iyong first love ko na siya rin ang naging first boyfriend ko, lalo na ngayon nabalitaan ko na wala na uli siyang girlfriend at balak nya yatang makipagbalikan sa akin. Hindi lang daw magawa kasi nga may boyfriend pa ako sa ngayon.
2. Ano sa palagay nyo, dapat ko bang balikan ang first love ko at makipag-break na ako sa kasalukuyan kong BF, kahit na wala naman siyang nagagawang kasalanan sa akin at wala naman dahilan para mag-break kami?Mula kasi ng ikinuwento sa akin ng kaibigan ko, ang tungkol sa first love ko para tuloy naguguluhan ako.
3. Sino ba sa dalawang lalaking ito ang ka-compatible ko at makakatuluyan ko at sino din sa kaniula ang makapag bibigay sa akin ng isang maunad at maligayang pamilya? July 2, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Monique ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer ang nagsasabing kung sino sa dalawang lalaking binabanggit mo ang nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio, tiyak ang magaganap, ang nasabing lalaki na may zodiac sign na Scorpio ang makakasama mo habang buhay.
Numerology:
Kung pareho namang Scorpio ang zodiac sign ng dalawang lalaking gumugulo sa isipan mo sa ngayon, ayon sa birth date mong 2 ang lalaking mapapangasawa at makakasama mo habang buhay ay isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25.
Graphology:
Wala namang nakikitang problema sa iyong lagda, kung saan, kahit na may boyfriend ka, sa bandang huli, iyon ding mahal at love mo talagang lalaki ang lulutang upang muling magtagpo ang inyong landas, at muling madugtungan ang romansa o relasyong pansamantalang naputol sa pagitang nyong dalawa noong nagka-break kayo.
Huling payo at paalala:
Tama ka Monique hindi mo magagawang makipag-break sa kasalukuyan mong BF, kung wala naman siyang ginagawang masama sa iyo. Pero minsan, ang takdang kapalaran pa rin naman ang nagaganap – sa taon ding kasalukuyan, sa panahong ito na malapit na malapit na ang kapaskuhan, kusa ng babalik sa iyo ang boyfriend mo, at sa panahon ding iyon, sa isang di inaasahang pangyayari, magkaka-breka kayo ng kasalukuyan BF mo, upang pagkatapos, sakto namang magkakabalika na kayo ng ex-BF mo, na siya ring magiging first and last love mo.

Read more...