Disiplina upang umunlad

NASAAN si Enrique Fernandez III?

Nawawala siya mula pa noong Oct. 23 sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro, nang siya’y bugbugin ng limang pulis at isinakay sa isang van.

Gustong malaman ng pamilya ni Fernandez, isang dating overseas Filipino worker (OFW), kung nasaan na siya.

Limang pulis— Senior Insp. Ereneo Ramirez, head ng crime against persons and property desk ng Cagayan de Oro Police Station, at kanyang mga tauhan na sina PO3 Alejandro Ubanan, SPO2 Jojo Lim, SPO1 Alaindelon Tacubao at PO2 Sangkula Hussein — ang nakakulong ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI)- Cagayan de Oro detention center dahil sa pagkakawala ni Fernandez.
Nakita sa footage ng closed circuit television (CCTV) camera ang pambubugbog ng limang pulis kay Fernandez bago nila ito isinakay sa van.

Nagpapasalamat ang mga kamag-anak ng da-ting OFW sa NBI pero gusto nilang malaman kung nasaan si Fernandez.

Sinabi ni Bebe Fernandez, tiyahin ng nawawalang biktima, na nakatanggap sila ng mga ulat na gawain ng mga pulis na arestuhin ang mga inosenteng mamamayan at hingan ng pera upang sila’y mapakawalan.
Ilang mamamayan na nabiktima ang nagpunta sa NBI at itinuro ang ilan sa lima.

Makailang ulit ko nang pinaalalahanan ang administrayong Duterte na huwag lang droga ang pagtuunan nila kundi ibang mga krimen at pang-aabuso ng ilang miyembro ng kapulisan.

Maraming krimen ang lumalaganap ngayon, gaya ng kidnapping, at sa aking palagay, dumarami ang abusadong pulis kahit ng naging pangulo na si Digong.

Bakit nagkaganoon samantalang mahigpit si Digong?

Dahil sobrang focus ng Philippine National Police (PNP) sa illegal drugs at akala ng mga masasamang-loob ay di muna sila papansinin.

Kung ako ang tatanu-ngin, dapat ay isalvage ang mga pulis na nagmama-labis gaya ng pagligpit sa mga drug pushers at drug lords.

Masahol pa sa mga drug pushers at drug lords ang mga pulis na abusado dahil ang sinumpaang tungkulin nila ay ipagtanggol ang ordinaryong mamamayan.

Hindi ako nakapagsulat ng ilang araw ng column dahil bumiyahe ako sa Singapore para magpatingin sa mga dalubhasang doktor.

Sa kabutihang palad, walang nakitang sakit sa akin.

But that’s not important; what is important is what I saw in Singapore which I had not visited in a long time.

Sa Singapore, nakita ko ang malaking disiplina ng mga mamamayan doon.

Ang disiplina ay nakikita sa pagsunod sa mga batas trapiko at ma-ging sa linis ng public toilets.

Wala akong nakitang nakaparadang sasakyan sa no-parking area, ginagalang ng mga motorista ang pedestrian lane, at malumanay ang takbo ng mga sasakyan sa mga “slow” signs; at siyempre pa, I didn’t see anybody beating the red light.

Isipin mo, kahit na saan kang public toilet pumasok, malinis at mabango.

Napakalinis ng paligid ng Singapore; wala kang makitang kalat.

Sinasabing ang pag-unlad ng isang bansa ay nag-uumpisa sa disiplina ng mamamayan.

Dapat umpisahan na natin ang maging disiplinadong mamamayan.

Tinanong ko ang naging kaibigan kong Singaporean kung bakit napaunlad ni Lee Kuan Yew, the Father of Singapore, ang pinakamaunlad na bansa sa Asya.

“Discipline,” sabi ng aking kabigan.

“Ang Lee Kuan Yew didn’t hesitate to make very hard decisions even if the rest of the democratic world didn’t like them,” dagdag pa ng aking kaibigan.

Naalala ko tuloy si Presidente Digong.

Gaya ni Prime Minister Lee, hindi natatakot si Digong na gawin ang mga desisyon na hindi kanais-nais sa ibang parte ng mundo, gaya ng pagpatay ng mga drug pushers at drug lords.

Kung mapanatili ni Digong na maging matatag sa kanyang paninindigan, uunlad ang bansa.

Ngayon na lang bumibilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

“PH is Asia’s fastest growing economy,” sigaw ng headline ng INQUIRER, sister publication ng Bandera, kahapon.

Read more...