Asthma-related cases bayad ng PhilHealth

Ako po si Roy Zulueta, nakatira sa Imus, Cavite. May dalawa po akong anak. Ang akin pong asawa ay nagkaroon ng hika pero kaya pa macontrol ng gamot. Kasalukuyang buntis siya sa aming bunso.

Tatlong buwan na ang kanyang tiyan nang inatake siya ng hika. Pero gumaling din ito after mga ilang linggong gamutan. Noong ipinanganak ang aking bunso hindi po namin ito nailabas agad sa kadahilanan na mahina raw uminom ng gatas, sabi ng doctor sa amin; may infection daw yung bata na kailangan gamutin muna bago makalabas. Noong kami ay nakatira pa sa Maynila, hindi rin maiwasan na magkasakit ang bata, sipon, ubo pero nawawala rin ito pag nabigyan ng gamot.

Ngayon July 2016 nakapagsunduan namin mag-asawa na lumipat kami sa aming bagong bahay dito sa Cavite. Sa lugar na aming tinitirahan ngayon under contruction pa yong ibang unit sa subdivision at maalikabok pa yong mga daanan nito. Siymepre di maiwasan na maglaro ang mga bata sa labas ng aming bahay. Nitong nakaraang dalawang buwan nagkaroon ang aking anak na ubo tapos pinacheck-up namin dito sa Cavite binigyan ng antibiotic para sa ubo pero hindi gumaling. Dinala namin sa pedia sa Makati, nag-undergo sa test for TB pero negative po sya at ang sabi ng doctor ang ubo nya ay allergy.

Until now nagagamot pa rin ang anak ko para sa anti allergy, at kailangan niya ng mga pampausok at mga spray sa ilong at bibig para daw sa hika. Ganon pa man, sinusumpong pa rin siya bago matulog at madaling araw.

Tanong ko lang may specialista po ba na doctor sa ganitong sakit? At saan kami pwede mag-pacheck-up? Ang anak ko po ay 5-years old.
Salamat po.
Roy

REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na ang Asthma related cases ay binabayaran po ng PhilHealth. Ang case rate package po nito ay P9, 000. Ang miyembro at kanilang kwalipikadong dependents ay maaaring makapag-avail ng case rate package ng Asthma kung na-confine ng higit sa 24-oras sa mga PhilHealth accredited na ospital/clinic.

Amin po ipinababatid na ang mga kaso na binabayaran ng PhilHealth na napapaloob sa polisiya ng Single Period of Confinement (SPC) kung saan ang admission at re-admission dahil sa iisang karamdaman ng natatanging pasyente ay nararapat na mayroong 90 araw na pagitan upang muling makagamit ng benepisyo mula sa PhilHealth.

Kung kaya, ang isang pasyente ay makakagamit muli ng benepisyo para sa parehong karamdaman makalipas ang 90 araw mula ng unang ma-discharge. Subalit, kung sila naman po ay mako-confine ng ibang kaso o final diagnosis ito po ay maaaring mabayaran ng PhilHealth.

Narito po ang mga kaso ng karamdaman na exempted sa ating SPC rule.
Blood transfusion, outpatient
Brachytherapy
Cataract Surgery (at least 1 day interval)
Chemotherapy
Dialvsis other than Hemodialvsis
Hemodialysis
Radiotherapy
Simple Debridement
Asthma in Acute Exacerbation
(https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2013/annexes/circ35_2013/Annex7_ListOfProceduresWithLaterality.pdf)
Ito naman po ang mga kondisyon para ma-avail ang benepisyo:
Kailangan may kaukulang kontribusyon ang principal member (kinakailangan po na ang miyembro ay may tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng anim (6) na buwan bago ang confinement/availment);
Kailangan PhilHealth-accredited ang ospital at duktor; at
Hindi pa nauubos ang 45-day benefit limit ng miyembro o ang 45-day benefit limit na paghahatian ng kwalipikadong dependent sa isang taon.
For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph

Thank you.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

Read more...