John tumba agad sa unang round ng boksing dahil sa FB

JOHN ESTRADA AT PRISCILLA MEREILLES

JOHN ESTRADA AT PRISCILLA MEREILLES

IBANG klase na talaga ang sitwasyon ngayon. Lahat halos ng mga nangyayari sa mga artista ay agad-agad nang nalalaman ng publiko. Wala na silang kaligtas-ligtas dahil sa teknolohiya.

Kahit sino na lang ay puwede nang magmistulang reporter sa paglalabas ng mga balita, may nakaengkuwentro lang na kahit sino ang personalidad ay agad nang lumalabas sa social media, wala nang kawala ngayon ang mga artistang hindi gumagawa ng maganda.

Ang pinakahuling bumida sa social media ay si John Estrada, hindi lang detalyado ang nag-post ng kuwento sa kanyang pagkakakilanlan, pero maraming nagdududang teller ito o cashier ng SLEX.

Wala raw pambayad ng toll fee si John, pero sa halip na makiusap, nagtaray at nagmura pa! Kinailangan pa raw hintayin ng aktor si Derek Ramsay na to the rescue naman, marespeto raw ang hunk actor, kabaligtaran ng ugali ni Tristan sa Magpahanggang Wakas.

Hindi pa nagbibigay ng kanyang panig ang magaling na aktor, pero sa unang sagupaan pa lang kumbaga sa boksing ay dehado na siya, pinalabas kasing arogante at walang manners ng nag-post si John Estrada.

May EZ-Tag naman ang NLEX at SLEX, puwedeng magkarga ang motorista ng pambayad niya, wala pang istorbo dahil hindi na niya kailangang pumila.

Read more...