Dating aktres wala nang pag-asang makita at makasama ang mga anak

BLIND ITEM WOMAN 0226

MARAMING nalulungkot para sa isang female personality na hanggang ngayo’y hindi pa rin nagkakaroon ng pagkakataong makita-makausap ang kanyang mga anak.

Lahat na ng paraan ay ginawa ng dating aktres para lang kahit paano’y magkita-kita sila ng kanyang mga anak sa personalidad na pinakasalan niya pero hindi ‘yun nangyari kahit minsan.

May mga tao nang pinakiusapan ang aktres para matulayan ang pagkikita nilang mag-iina pero wala pa ring nangyari. Mukhang tatanda na siya nang hindi man lang nakakasama ang kanyang mga supling.

Kuwento ng isang source, “Parang galit na galit ang mga anak niya sa kanya, matindi ang galit ng magkapatid, dahil meron ba namang anak na magkakaganyan sa nanay nila?

“Nakikipag-communicate sa kanila ang mommy nila, pero tumatanggi sila, at ang pinakamasakit pa, e, hindi lang ang interest na makita ang nanay nila ang nawala sa magkapatid, pati ang pagrespeto nila!

“Wala na silang respect sa mommy nila, walang-wala na, nakakaawa naman si ____ (pangalan ng female personality), nanay pa rin siya kahit saan daanin ang kuwento!” simulang pagbibigay ng impormasyon ng aming source.

Matindi ang paniniwala ng mga nakapaligid sa pamilya na matindi ang ginawang pangbe-brainwash sa magkapatid. Ibang klaseng brainwashing ang nangyari, pinasama nang husto ang babae, kaya nagkaganyan ang sitwasyon.

“Batambata pa kasi ang magkapatid nu’n, wala pa silang malay sa mga nangyari sa parents nila, kaya ano pa nga ba ang magiging dahilan ng pagkamuhi nila sa nanay nila, kundi brainwashing?

“Nakakaawa naman ang girl, wala na yata talagang pag-asang magkita sila ng mga anak niya, saan na lang niya titingnan kung ano na ang itsura ng magkapatid?

“Sa poster na lang? Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga starring sa istoryang ito,” pagtatapos ng napapailing naming source.

Read more...