SALUDO kami sa galing at talento ng batambatang composer at record producer na si Jonathan Manalo, ang utak sa likod ng halos lahat ng theme song na ginagamit sa mga show ng ABS-CBN, kabilang na ang classic OPM hit na “Pinoy Ako” ng Pinoy Big Brother, Kris TV, Magandang Buhay at marami pang iba.
Siya rin ang nasa likod ng mga hit songs ng ilan sa mga sikat nating OPM singers, tulad nina Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Vice Ganda, Angeline Quinto, Erik Santos, Aiza Seguerra at marami pang iba.
At ngayong magse-celebrate na ng kanyang 15 years sa industriya ang Star Music audio content head, isang bonggang tribute/concert ang ihahandog sa kanya ng Cornerstone Concerts at Star Events, dubbed as “KINSE: The Music of Jonathan Manalo.”
Sa presscon ng “KINSE”, sinabi ni Jonathan na plano na nilang magkaroon ng ganitong show noong mag-celebrate siya ng 10th anniversary pero nagdesisyon ila na gawin na lang ito sa kanyang ika-15 taon sa industriya ng musika.
“At least ngayon, nadagdagan pa ‘yung mga projects ko, mga songs na nag-hit and nagmarka, so I think perfect timing na i-celebrate siya this time,” ani Jonathan.
Hirit pa ng genius na record producer, ang “KINSE” ay isang paraan nila para maibalik sa lahat ng Pinoy na sumuporta sa kanya ang blessings na natanggap niya sa loob ng 15 taon.
“Gusto kong maghanap ng mga young composers like me in the past at ma-train sila at mabigyan ng kani-kanilang break,” aniya pa. “Gusto ko lang mag-celebrate at maging thankful sa ginawa ni Lord sa buhay ko,” dagdag pa ni Jonathan.
Magaganap ang “KINSE: The Music of Jonathan Manalo” sa Music Museum sa Dec. 3 kung saan mapapanood ang natatanging pagtatanghal ng mga singer na nakatrabaho ni Jonathan sa kanyang 15 years sa industriya tulad nina Gary, Lani Misalucha, KZ, Erik Santos, Aiza Seguerra, Yeng Constantino, Piolo and Inigo Pascual, Angeline Quinto, Brenan, Vice Ganda, Gloc-9, Alex and Toni Gonzaga, Jona, Kyla, Marion, Sam Milby, Morissette, Janella Salvador at Juris.
For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketworld, 891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph.