BOC chief:Pag-ambush sa deputy commissioner isolated

BOC logo
SINABI ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na isang “isolated incident” ang pagpatay kay deputy commissioner Arturo Lachica, bagamat tumanggi na siyang magkomento kaugnay ng motibo ng pagpaslang.
Idinagdag ni Faeldon na ipinapaubaya na lamang niya sa mga imbestigador ang imbestigasyon kaugnay ng motibo sa pag-atake.
“I don’t want to speculate, we can speculate on a thousand reasons, but let’s leave it to investigators,” sabi ni Faeldon.
Kinondena ni Faeldon ang pagpatay sa opisyal ng BOC.
“I have instructed both our intelligence and enforcement units to assist and provide open and full support to investigating agencies,” dagdag ni Faeldon.
Umaasa rin si Faeldon na lalabas ang katotohahan kaugnay ng motibo ng nangyaring pagpatay.
“I really see this as an isolated case. I don’t want to work on that premise, that will not help the country at all. In all my functions that I cannot do, he is the one I delegate it to. He has been very effective in his job,” dagdag ni Faeldon.

Read more...