HUMINGI ng sori kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tinaguriang pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas, kasabay ng hiling na bigyan siya ng isa pang tsansa na magbagong buhay.
“Kay Presidente, humihingi ako ng tawad sa nagawa ko dati at sana bigyan niya pa ako ng isang pagkakataon upang magbagong buhay,” sabi ni Kerwin.
Nangako si Kerwin na papangalanan ang mga protektor ng operasyon ng droga sa Visayas region.
“Itong sitwasyon ko ngayon na wala na ang Papa ko, maaasahan niya na lahat ng involved sa drug trade na nalalaman ko, lalabas sila lahat—‘yung mga pangalan nila,” dagdag ni Kerwin.
Samantala, tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Bato dela Rosa ang kaligtasan ni Kerwin habang nasa kustodiya ng pulis.
“Andito na si Kerwin, buhay na buhay ha. Hindi namamatay,” sabi ni dela Rosa.
Idinagdag ni Kerwin na mas ligtas siya sa kamay ng PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) na siyang sumundo sa kanya mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) matapos siyang makulong noong Okt. 17.
“Ngayon wala na akong takot sa pulis. Nakita ko ‘yung kanilang pagsafety nila sa akin mula sa pagkuha sa akin sa Abu Dhabi hanggang dito sa Crame. Na-feel ko ‘yung safety ko na safe na ako,” dagdag ni Kerwin.
Kerwin Espinosa nag-sorry kay Duterte, humiling ng second chance
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...