Halikan nina Joyce at Kristoffer nag-trending

JOYCE CHING AT KRISTOFFER MARTIN

JOYCE CHING AT KRISTOFFER MARTIN

MUKHANG mapapaaga ang Valentine’s Day dahil magpapakilig ang isa sa mga pinag-uusapang love team ngayon na KrisJoy, sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, sa Davao del Norte ngayong Biyernes.

Isang matamis at mainit na afternoon treat ang hatid ng mga bida ng GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat sa mga Kapusong Davaoeños at Tagumeños sa pamamagitan ng isang Kapuso Mall Show sa Robinsons Place Tagum, Tagum City, 4 p.m.

Dalawang linggo pa lang mula nang unang umere ang bagong inaabangang drama sa telebisyon. Pinangungunahan ito ng mga batikang aktor na sina Eula Valdez, Ariel Rivera at Snooky Serna. Kasama rin sa serye ang multi-talented Kapuso artist na si Thea Tolentino.

Tampok sa Hahamakin ang Lahat ang kuwento ng isang ina at ng kanyang anak. Pareho sila ng kapalaran – mawawalay sa mga lalaking kanilang minamahal dahil sa hindi tanggap ang mga ito ng kanilang mga pamilya.

Kasama rin sa cast ng serye sina Chinggoy Alonzo, Marc Abaya, Jett Pangan, Marina Benipayo, Renz Valerio, Mona Louise Rey at Bruno Gabriel, sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez.

Samantala, nag-trending naman ang kissing scene nina Kristoffer at Joyce na kinunan sa isang university at ipinalabas kamakailan sa nasabing serye.

Ito ang unang halikan ng magka-loveteam on screen kaya kinilig nang bonggang-bongga ang kanilang fans. Agad nag-trending sa Twitter sa hashtag na #HALikPaMore.

Read more...