Enchong game na game sa paghuhubad: Naisip ko kung hindi pa ngayon, kailan pa!?

ENCHONG DEE

ENCHONG DEE

MATAPOS bumenta ang kanyang platinum-selling self-titled debut album, nagbabalik sa recording si Enchong Dee sa pamamagitan ng kanyang second album, ang “EDM (Enchong Dee Moves)” under Star Music.

Ayon kay Enchong, ito ang proyektong pinakamalapit sa kanyang puso lalo pa’t regalo niya ito sa kanyang fans sa ika-10 taon niya sa showbiz. Mamarkahan din ng naturang album ang pagsabak niya sa electronic dance music.

“Gusto kong magbahagi ng parte ng sarili ko sa audience ko na pwede nilang iuwi o makasama sa daan habang nagda-drive. Regalo rin ito sa fans ko para sa suporta nila sa nakaraang dekada. Sobrang personal ng album na ito kumpara sa iba kong projects,” pagbabahagi ni Enchong sa press launch ng “EDM” last Wednesday.

Laman ng album ang 10 potential hits, kabilang na ang carrier singles na “Telenobela” at “Di Ko Alam,” pati na ang hugot song na “Hopia” composed by Enchong.

“Itong ‘Hopia’, inspired siya ng friend ko habang nagda-drive kami. Natapos ko siya in 30 minutes. Ang daming taong baliw para sa pag-ibig, at para ito sa kanila na naghahangad ng tapat na samahan kasama ang taong gusto nila,” ani Enchong.

Karamihan sa mga awitin sa album ay love songs, gaya ng mga upbeat na “Oo Gusto Kita,” “Crush,” “Sa Huli,” at ang nagsusumamong “Hanggang Dito Na Lang.”

Hinahamon din ni Enchong ang kanyang mga tagapakinig na kumilos at magbanat ng buto sa kantang “Tara Pagpawisan.”

Kabilang din sa track list ang “Crush (Theo Remix),” kung saan tampok ang pagra-rap ng Hashtags member at PBB 737 Teen Big Winner na si Jimboy Martin, pati na ang “Hopia (Theo Remix” tampok si Bebe Riz BFe Wbh.

Ang album na ipinrodyus ni Rox Santos, ay mapapakinggan na sa Spotify at mabibili na rin nationwide. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph at Starmusic.ph.

Samantala, natanong namin kay Enchong kung kaninong concept ang sexy cover ng kanyang album kung saan meron siyang pa-abs at pa-nipple na parang tinutukso niya ang kanyang fans.

Aniya, konsepto niya ito at nagpapasalamat siya dahil pumasa naman sa panlasa ng Star Music.

“To be honest, lahat ng makikita n’yong pictures sa loob ng album, sariling kagustuhan ko. Sabi ko nga, it should be darker, sexier and more mature than the first album. Lagi kasing nasa utak ko yung, hanggang kailan ba ako pwedeng maghubad, or mag-bare ng skin, now that I have the body, and nasa edad na ko, and the privilege of doing so, bakit hindi pa ngayon.

“And not only with the album, pati na rin sa role na mga gagampanan ko sa future projects, so, habang kaya ko, gawin na ngayon. So, yes, ako ang may pakana sa lahat ng makikita n’yong pictures sa album na ‘to,” sey ni Enchong.

Read more...