Willie Revillame kasosyo pa rin sa mga negosyo ng pamilya Villar
NAKATSIKAHAN namin ang bunso at nag-iisang anak na babae ni dating Sen. Manny Villar at kasalukuyang Senadora na si Cynthia Villar na si Camille Villar sa opening ng Vista Mall All Shoppe sa Balanga, Bataan noong Martes.
Ang Vista Mall ay katabi ng Camella Homes na pag-aari rin ng Villar Group of Companies. Araw-araw ay nililibot ni Camille ang lahat ng malls na pinamamahalaan niya.
Kuwento ni Camille, “Been busy with the malls and retail stores tulad ng Starmall, Vista Mall, All Shoppe, All Day Supermarket, All Home, All Toys and All Baby and Kids. So, ‘yun ‘yung pinagkaabalahan namin. With the help of my dad, this is what I’m managing – the retail group and the mall group.”
Ang dahilan daw kaya nag-merge na ang Starmall at Vista Mall, “Kasi we have lots of lots of land so instead of just giving people the place to live, we wanted them to have the entire community a place to shop, a place for entertainment, a place to work, we also have call centers, office buildings that we are developing, condominiums, so we wanna be a full service real estate company.
“So lots of places to shop, ‘yun ang pinagkaka-abalahan namin ngayon, puro shopping at pagkain ngayon,” pahayag ng bunsong anak ng mga Villar.
Magkasama raw si Camille at daddy niya sa pagma-manage ng retail at mall group, ang kuya naman niya ang bahala sa real estate nila at ‘yung isang kuya pa ay kasalukuyang Secretary ng Department of Public Works and Highways.
Isa pang ipinagmalaki sa amin ni Camille ay ang movie houses nila sa lahat ng Vista Mall dahil ka-level daw nila ang Ayala sa Glorietta at dalawa lang daw ang sinehang may 4D, isa sa The Fort (BGC) at ‘yung sa Vista Mall Sucat, “State of the art lahat ang movie houses namin, you can check.”
Tsinek talaga namin ang mga sinehan sa Vista Mall Balanga, Bataan at totoo nga, ang ganda ng mga upuan at ‘yung VIP Cinema 1 ay puwede kang matulog dahil 350 lang ang seating capacity sa lazy boy chairs.
Sa loob ng mga sinehang napasukan namin ay may dalawa hanggang tao lang ang nanonood dahil patay na oras ang 1 p.m. kaya nagtanong kami sa assistant ni Camille na si Avic Amarillo kung hindi ba aksaya sa kuryente ito dahil ang ilang sinehan sa Metro Manila kapag hindi umabot ng walong katao ang manonood ay hindi ipinatutuloy, lalo na sa Eastwood City.
“Nagbayad po sila kaya kailangang ituloy maski na iisang tao lang ang nanonood,” katwiran ni Avic.
Samantala, nilinaw ni Camille na kasosyo pa rin nila sa Will Tower (malapit sa Audience Entrance ng ABS-CBN) ang TV host na si Willie Revillame.
May mga balita kasing wala ng pag-aari si Willie sa Wil Tower dahil ibinenta na nito ang shares niya sa mga Villar dahil nga nabaon diumano ito sa utang dahil sa casino na mariin namang pinabulaanan ng TV host-comedian.
Kung matatandaan, nabili ni Willie ang lupa sa tapat ng ABS-CBN noon at pinatayuan ng building na gagawing mall at nakipag-partnership nga siya sa Vista Land para sa ipatatayong condo noon. Pero dahil na-delay ito ay marami raw umatras dahil ang ipinangakong turnover ay hindi natuloy sa itinakdang petsa.
Paliwanag sa amin ni Camille, “Partnership kami, Will Tower is Will Tower, named after him. But the mall there is Vista Place. We can’t divulge the details, but in the condo (unit), he’s a partner. The whole complex he’s a partner, because that was his property. That was his project, we did that together and we build that together, that’s why we’re partners.”
Sa kabilang banda ay natanong kung tuluyan anng iiwan ni Camille ang showbiz, naging co-host siya noon ni Willie sa Wowowin.
“I did kasi hosting as an experience, pero after a while, I had the opportunity to study abroad and take my masters which is a long time dream of mine, so, I got accepted so I had to go and leave then.
“When I came back, parang I wanted to put that to use. So, parang I’m happy where I am now. So, yeah, being back to where I belong,” esplika ni Camille.
Goodbye showbiz na talaga? “Yeah, for now. I mean, never say never but for now, I’m really where I want to be.”
Bakit hindi niya subukan ang pagpo-produce ng pelikula? “Ang dami na naming inaaral, actually, marunong lang kaming gumawa ng bahay, napasok na namin ‘yung kape, ‘yung shopping, all the stuff para hindi na namin aaralin. Marami ng sobrang galing sa entertainment kaya hindi na, siguro. Mag-concentrate na lang kami rito,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.