Kuripot at maramot na male celebrity bidang-bida pag malapit na ang pasko

BLIND ITEM MALE 0624

DAHIL kumakatok na sa ating mga pintuan ang Kapaskuhan ay maraming naaalala ang iba-ibang tropa sa showbiz. May naaalala silang bukas na bukas ang palad sa pagreregalo at meron ding mga personalidad na nakakuyom ang mga palad.

Maraming artistang parang pinalilipas na lang ang Pasko, ‘yung parang hindi man lang nila pinaghahandaan ang napaka-espesyal na okasyong ito at pinalalampas nang paganu’n na lang, buhay na buhay sa kanilang isip ang mga personalidad na walang pakialam sa Pasko.

Unang-una sa kanilang listahan ang isang male personality na ipinanganak yatang nakasarado ang mga palad. Hindi lang tuwing Pasko siya naaalala ng kanyang mga katrabaho, kahit sa buong taon ay siya ang bumibida sa mga kuwentuhan ng kakuriputan, hari kuno siya ng pagiging kuring.

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka talaga ang lalaking ‘yun! Parang wala siyang kaalam-alam sa pag-alala, very consistent siya sa pagiging kuripot, grabe siya!

“Lalo na kapag dumarating ang Pasko, walang umaasang maghahatag siya ng regalo, sanay na sanay na sa kanya ang lahat, dahil talagang super-kuring siya!

“Hindi na sila nagugulat sa ugali ni ____ (pangalan ng male personality), kasi nga, kahit naman sa mga relatives niya, e, hindi rin siya marunong makaalala.

“Nakakatawa nga, kasi, minsan na nga lang siyang nakantiyawang magbigay, pero ang ipinangregalo pa niya, e, mga GC! Mismo! Gift certificate ng ine-endorse na produkto ng family niya.

“Nakakaloka! Talagang sarado ang pintuan ng bulsa at wallet niya, walang kahit sinong nagtagumpay na paglabasin siya ng kahit barya lang. Ganu’n talaga siya katinding mag-ingat ng datung niya.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang lalaking personalidad na itey, marami silang magkakapatid sa showbiz, pili na lang kayo kung sino siya sa dami nilang ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...