Kilalang aktres nagdroga dahil sa problema sa pamilya

BLIND ITEM FEMALE 0429

MEDYO napaisip kami kung totoo ang tsismis na ipinarating sa amin ng isang malapit na kaibigan tungkol sa isang sikat na aktres.

Una kasi, napakaganda ng image ng sikat na aktres bukod pa sa never din itong nasangkot sa pangit o kontrobersyal na mga intriga.

Second, masyado rin itong maingat at napaka-soft spoken, much more “mapili” sa mga TV o movie roles niya.

Kaya nu’ng ikinuwento sa amin na nagkaroon pala ito ng hindi kagandahang past during her “desperate years” brought about by her issues sa kanyang married life and some issues on money, napanganga na lang talaga kami.

“Sinubukan din niya ang mga party drugs. Mga friends and acquaintances na medyo pasaway,” sey ng source namin.

Pero ang most shocking nga ay yung tungkol sa tila pagkakaroon nito ng amnesia lalo na sa mga “friends” na minsang kumupkop at nag-aruga sa kanya noong walang-wala pa siya.

“Literal siyang nakikitulog at nakikikain noon,” hirit pa ng source namin sa pinagdaanan ng sikat na aktres.

At ngayong nabigyan nga ito ng another chance at naging sikat uli, ayaw na raw nitong balikan ang pangit at nega na parte na yun ng buhay niya, including those who had lent her a hand sa kanya.

Hmmm, hard to believe talaga, pero nagawa daw ito ni sikat na aktres na minsan nang nag-deny na “nanghihingi” lang siya noon. Awww!!!

Read more...