Sanya matapang na nag-I love you kay Rocco

rocco nacino at sanya lopez

KINILIG ang mga Encantadiks kina Sanya Lopez at Rocco Nacino nang ipalabas na recently sa GMA Telebabad series na Encantadia ang isa sa mga iconic na eksena sa original version kung saan nagsabi na ng “I love you!” si Danaya kay Aquil.

Ayon sa mga netizen, parang totoong-totoo ang nasabing eksena. Feel na feel daw kasi nila na meron ng “something” sa pagitan ng dalawang Kapuso stars in real life.

Pero isang revelation ang sinabi ni Sanya tungkol sa nasabing scene, “Actually medyo kinakabahan ako habang ginagawa ko ‘yun kasi nga iconic siya and nakakatakot na ma-compare sa dati.

“Pero sinabi naman kasi na iba-iba ng atake (ang mga artista) so this time, iba ‘yung atake ko kasi baka ‘pag biglang iniba ko sa part na ‘yon at nakopya ko sa dati, mag-iiba ‘yung tingin ng tao. Kaya pinanindigan ko kung ano ‘yung atake ko,” paliwanag ng dalaga.

But for their fans, sana raw ay sila na ang magkatuluyan sa tunay na buhay dahil bagay na bagay naman daw sila. And it’s about time na maging maligaya na si Rocco pagdating sa lovelife.

Samantala, patuloy lang kayong tumutok gabi-gabi sa Encantadiapara sa mas marami pang kilig moments nina Sanya at Rocco, pati na rin sa mga maaaksiyon at madadramang tagpo ng serye pagkatapos ng 24 Oras.

Read more...