Ai Ai nakalikom ng P155K donasyon para sa simbahan

aiai delas alas

NAKALIKOM ng P155,000 si Ai Ai delas Alas na donasyon sa kanyang nakaraang birthday na diniretso niya sa Kristong Hari, ang simbahang tinutulungan niyang ma-renovate.

Detalyado ang amount ng donasyon at kung sino ang nagbigay sa post ni Ai sa kanyang Instagram account. Hindi na namin babanggitin ang halaga ng donasyon ng kaibigan ni Ai Ai.

Basta ang nag-donate bukod sa unang donasyon ng iba ay sina Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, John Lapus, M-Zet staff at iba pang non-showbiz friends ni Ai Ai.

“God bless you more and shower you all with abundant blessings!” ang inilagay na caption ni Ai Ai sa photo na ipinost niya sa Instagram.

Kaya naman super blessed talaga ngayon ang personal life at showbiz career ng Comedy Queen, di ba?

Read more...