Billy: Hindi po ako nakulong sa HK: May shunga lang na nambastos kay Coleen!

billy crawford at coleen garcia

ITINANGGI ni Billy Crawford na nakulong siya ng isang araw sa Hongkong matapos makipagbugbugan sa isang taong nambastos sa girlfriend niyang si Coleen Garcia.

Sa isang panayam, nilinaw ng TV host-actor na siya ang pinagsimulan ng gulo sa isang lugar sa HK kaya raw siya inarresto at ikinulong, “For some reason it was taken out of context, Hindi po ako nakulong, kasi kung nakulong ako hindi po ako makakabalik sa Pilipinas to be honest with you.

“But may nangyari dahil nabastos si Coleen and it was a verbal argument between the person and me, good thing yung medyo shonga na nambastos kay Coleen ay ginawa niya sa harapan ng police, so nakita ng police. The thing is about Hongkong Police they are very strict, so simpleng sigawan sa streets they hold you for questioning, doon tumaas ang paghanga ko sa HK police,” paliwanag mabuti ni Billy.

Dagdag pa ng BF ni Coleen, Patuloy pa niya, “So they held us at yung mga kasama ko for questioning and yung kabilang party para malaman nila kung ano yung kaso or kung ano ang ang nangyari. So I explained to them, Coleen had to explain to them so na detain kami ng konti pero hindi ako nakulong.”

Read more...