16-anyos na buntis may Zika virus

zika-0203

KABILANG ang 16-anyos na buntis mula sa Las Piñas City sa mga biktima ng Zika virus, ayon sa Department of Health (DOH).

“@Dok_Pau confirms second pregnant #Zika; 16 year old from Las Pinas City; had skin rash & fever at 32nd week of her pregnancy; No ultrasound,” sabi ni DOH spokesperson Dr. Eric Tayag sa kanyang Twitter account.

“Total number of #zika in #ph is 33 including 2 pregnant cases (Cebu & Las Pinas),” dagdag ni Tayag.
Idinagdag ni Tayag na kabilang ang 16-anyos buntis sa 10 bagong kaso ng Zika.
Isang taga-Cebu ang unang buntis na nagkaroon ng Zika virus bagamat batay sa resulta ng dalawang ultrasound, wala namang abnormalidad sa kanyang pagbubuntis.
“She’s okay, she’s still being monitored. She has undergone two ultrasound and so far, still normal. She’s expected to give birth in January,” sabi ni DOH Secretary Paulyn Ubial.

Read more...