MAGKASALUNGAT ang ibig sabihin ng mga katagang “Absence makes the heart grow fonder” at “out of sight, out of mind,” pero kung may pinaniniwalaan si Kris Aquino, ‘yun ay ang una.
Her latest social media post kung saan sasadyain niyang ma-miss ng publiko has stirred another wave of speculations na magbabakasyon siya uli.
However, it contradicts her pronouncement na may aayusin lang siya in preparation para sa aaba-ngan niyang show. Aside from this, may mga iba pa siyang raket na kailangang tapusin.
Call it ambiguity or verbal irony, but Kris knows how to play her game, even better now that the odds are against her.
If we can speak for a vast majority, maaaring nabawasan ang stellar fame ni Kris but not the public interest.
Even if her career seems to be in the doldrums, aminin natin, whatever Kris does—or doesn’t do—is still a rich fodder for news. Pwede pa rin siyang maging headline sa mga tabloid dahil buhay pa rin ang interes sa kanya ng mga tao.
Sana lang, sa pinagdaraanan ngayon ni Kris Aquino—kung saan it’s Lady Luck’s turn to frown on her—magsilbing itong humbling experience sa kanya. Tigilan na muna ang pagyayabang.
Kung kinakailangang sabunutan siya hanggang anit para kumawala ang hangin sa kanyang ulo—the better for her.
Kailangang iparamdam niya sa publiko na natuto na nga siya sa mga kamalasang dumating sa buhay at career niya.
Personally, inaabangan naming muli sa kanyang bibig ang mga salitang, “I’m ready for my close-up.”