NATUPAD na ang pangarap ng foreign designer na si Joao Rolo na damitan si Marian Rivera.
Nagpasampol na si Yan ng gawang damit ng Portuguese designer na nag-message lang sa GMA Primetime Queen sa Instagram na gusto siyang gawan ng damit.
Sa posts ni Marian sa kanyang Instagram account, hayun at suot na niya ang gawa ni Rolo. Eh, swak naman kasi sa panlasa ni Yan ang disenyo ng gawang damit kaya talagang ipinagmalaki niya ito sa kanyang followers.
Agad naman nagpasalamat ang Portuguese haute couture sa post na ‘yon ni Marian. Umani naman ‘yon ng papuri sa mga netizen kaya agad na nag-post si Joao ng mensahe sa IG, “I have no words to thank you all.”
MOST READ
LATEST STORIES