ILANG linggo na ang nakararaan mula nang magsimulang bumaba ang palitan ng piso kontra dolyar.
Masaya ang reaksyon ng mga overseas Filipino workers mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pangyayaring ito.
Gayunman, marami rin namang mga Pilipino ang nangangamba na baka ito naman daw ang hudyat nang pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa.
Sa panayam ng Bantay OCW, tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno na merong mga sektor ang nakikinabang sa paggalaw na ito ng piso kontra sa dolyar.
Ayon kay Diokno, unang-unang nakikinabang dito ang pamilya ng ating mga OFW. Sa mas mataas na palitan ng piso kontra dolyar ay mas malaki ang pumapasok na pera at panggastos para sa kanilang pamilya.
Malaki ang ambag ng pamilyang OFW sa paggalaw ng ating ekonomiya dahil ginagamit nila ang mga padala ng kanilang kamag-anak, pinanggagastos nila iyon kung kayat mabilis umikot ang pera.
Pangalawa sa mga nakikinabang sa palitang ito ang mga exporter
Katwiran niya, sa loob nang nakaraang 15 buwan negatibo ang export business ng Pilipinas, ngunit dahil sa paggalaw na ito ng piso, nagpositibo pa ngang muli ang export industry. Nakikita ng mga exporters
Pangatlo at huli sa mga nakikinabang sa mababang palitan ng piso kontra dolyar ay walang iba kundi ang mismong gobyerno. Hindi ito madalas talakayin ngunit kung bumababa ang piso tumataas naman ang “Peso Value” ng imports
Paliwanag ni Diokno, sa bawat pisong pagbaba tumataas ang koleksyon ng BOC ng P9 bilyon, tumataas naman ang expenditures ng Pilipinas ng P2 bilyong tuwing babagsak ang halaga ng piso. Sa kabila nito meron pa ring matitirang P7 bilyong para sa ating bansa.
Kabilang pa sa mga dahilan ng pagbaba sa palitan ng piso kontra dolyar ang paglabas ng mga tinatawag na “Hot Money” o ang investment ng mga taong maglalagak lamang ng pera para makinabang sa stock market ng bansa.
Dapat na rin umanong tanggalin ng mga Pilipino ang paniniwala noong mga nakaraang panahon na kung sasadsad ang piso bumabagsak rin ang ekonomiya ng bansa. Ngunit hindi na ito ang katotohanan dahil steady at patuloy ang pagpasok ng dolyar mula sa ating mga OFWs na siyang higit na nagpapatatag ng ating ekonomiya.
May mga panahong nais pa nga ng ating mga kababayan na ipako na lamang sa mataas na palitan ang halaga ng piso, ngunit ipinaliwanag naman ni Diokno na matagal nang inabandona ang fixed exchange rate. Hindi umano talaga pupuwede iyon.
Sa 19 na taon ng Bantay OCW, buhay na saksi ang aming programa na angkop na angkop ngang taguriang “backbone” ng Philippine economy ang ating mga OFW dahil sa kanilang mga dollar remmitances.
Higit sa lahat, ginagarantiyahan ni Diokno, walang dapat ika-bahala ang ating mga kababayan sa panandaliang pagbaba sa halaga ng piso kontra sa dolyar. May mga nagbebenepisyo at may maganda pa ngang epekto.