Suspected smuggler naipwesto sa administrasyon ni Digong

NAKADIDISMAYA na maraming mga hindi karapa-dapat sa pamahalaan ang nabigyan ng pwesto sa ilalim ng Duterte administration.

Ayos na sana ang simula ng paglilinis sa gobyerno ng bagong pangulo kundi lang sa pagpupumilit ng ilan na makakuha ng posisyon sa loob ng pamahalaan.

Muntik akong malaglag sa aking upuan nang sabihin ng ating Cricket na nabigyan ng pwesto sa gobyerno ang isang suspected smuggler.

Ang bago pa naman niyang posisyon ay malapit sa kasong isinasabit sa kanyang pangalan.

Mula sa isang sikat na industriya ang ating bida pero wala itong kinalaman sa showbiz.

Mabilis siyang nakilala sa industriyang iyon hindi dahil sa kanyang kahusayan kundi sa kanyang kalokohan.

Nakalulungkot dahil sa paglipas ng panahon ay bumaba na nang husto ang respeto ng publiko sa industriyang ating tinutukoy.

Ang dahilan ay dahil napasok na ito ng ilang bugok na itlog na walang ginawa kundi pagkaperahan ang makapangyarihang sektor na ito ng lipunan.

Sa industriyang ito lalong yumaman at nagkaroon ng kapangyarihan ang bida sa ating kwento.

Bukod sa pagbibigay ng proteksyon sa ilang ilegal na gawain tulad ng sugal, mga kaduda-dudang transaksyon sa gobyerno pati smuggling ay pinasok na ng lokong ito.

Isa ang kanilang grupo sa mga nasa likod ng pagpapapasok sa bansa ng mga smuggled na electronic gadgets tulad ng cellphone at laptop.

Pero dahil pinuno na ngayon ng isang malaking government owned and control corporation ang kanyang kabarkada ay kinuha na rin ang ating bida bilang miyembro mga kanilang board.

Sayang dahil ang pinuno ngayon ng GOCC na laman ng ating kwento ay mula pa naman sa isang grupong galit kuno sa katiwalian samantalang ang kinuha niyang tao ay markado naman dahil sa dami ng kalokohan.

Hindi ko lang alam kung dumaan sa mata ng Pangulo ang appointment ng taong ito dahil kung hindi ay baka pagmulan pa ito ng pagkadiskaril sa kanyang kampanya para sa matinong pamahalaan.

Ang suspected smuggler na nabigyan ng magandang pwesto sa isang GOCC ay si Mr. B….as in Bentot.

Read more...