KRIS Aquino is “homeless”.
Without a home, nagkasya na lang si Kris sa pag-update sa kanyang mga follower through her Instagram account.
“Praying, working, and collaborating on this…So until our launch w/c is coming very soon, we’re going to be focused on creating many interesting & exciting surprises for you. Until then – I’m going to let you miss me a bit… Love, Kris.”
‘Yan ang latest niyang drama sa kanyang Instagram account.
So, bakasyon na naman pala si Kris. Tila walang katapusang bakasyon, ha.
Anyway, ma-sad kaya si Kris dahil tila hindi na siya welcome sa mga netizen. Most of the reactions were against her.
“Buti na rin mawala ka. Nakakasawa ka na rin, time for another celebrity to glow and sophisticated. No more Aquinos anymore…goodbye.”
“Mahiya ka nman nkakasawa na nga ang mukha mo sa TV nakakainis pa sobrang over.”
“Arte mo kasi, dka marunong mag antay feeling kaw lang anak ng abs.”
Out of exasperation perhaps, ang nasabi na lang ng isang defender ni Kris ay, “Maraming naiinggit sa yo Kris kaya putok mga butsi nila. Di sila maka move on kaya good luck Kris marami pa rin nagmamahal sayo.”