Inigo sa tsismis na di siya tunay na anak ni Piolo: Nakakapikon!!!
NAIINTINDIHAN ni Inigo Pascual kung bakit kailangan siyang “itago” noon sa Amerika ng kanyang amang si Piolo Pascual.
Sa launching ng self-titled debut album ng Kapamilya singer-actor under Star Music, sinabi ni Inigo na wala siyang galit o tampo sa tatay niya sa kabila ng mga pinagdaanan niya habang lumalaki sa Amerika kapiling ang kanyang ina.
“It’s not an issue with me because I was a kid when it happened and my dad never made me feel as if I was not his son. Ever before the DNA test, he was already there, he was already by my side,” pahayag ni Inigo nang humarap sa entertainment media pagkatapos ng kanyang mini-concert.
Dagdag pa ng binata, never daw niyang kinuwestiyon ang pagiging tatay sa kanya ni Piolo, “They told me the reason and that’s also the reason why I went to the States. They wanted me to experience a normal childhood. Ayaw ni papa na gawin akong parang public property and you don’t want your kid to be harassed.
“I appreciate that they made me experience a private life, a life na normal ako sa States. I was there from 8 years old to 17,” ayon pa sa binata.
Tungkol naman sa mga tsismis na hindi raw siya totoong anak ni Piolo, “Oo nga, nababasa ko anak daw ako ng tita ko. Siyempre, bilang tao, naasar ka, di ba? Siyempre, sasabihin mo, ‘what kind of mind would even think that?
“Minsan sasabihin na anak yan ng kapatid ni Piolo sa Las Vegas. Di ba, bilang tao, maaasar ka at mapipikon ka. Pero don’t let it affect you kasi alam mo yung totoo and you know who your dad is. You shouldn’t let it bother you. It’s not something na parang, that should bother me,” diretsong sagot ni Inigo.
Natanong din ang singer-actor kung ano ang naging reaksiyon niya sa mga nagbigay ng malisya sa kumalat na litrato (magkatabi at magkayakap sa kama) nilang mag-ama sa social media, “Grabe! I can’t even believe they can think of those things. Nu’ng tinanong ako about that, sabi ko, ‘ano’ng isasagot ko do’n, what’s the good answer for that?
“If I let them affect me then that’s my problem. Pero kung wala sa akin yon, that’s their problem,” aniya pa.
Anyway, puring-puri naman ng mga miyembro ng entertainment press ang boses ni Inigo matapos nitong kantahin ang ilan sa tracks na nakapaloob sa kanyang debut album, partikular na ang “Dahil Sa ‘Yo,” “Fallen” at “Dito.” May karapatan daw talaga itong maging sikat na singer tulad ng kanyang ama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.