Jessy: Wala ka nang pakialam sa sasabihin ng iba! Basta wala kang sinasagasaang tao!

jessy mendiola at luis manzano

Ayaw pa ring tantanan ng mga bashers si Jessy Mendiola, pilit pa rin nilang ipinagduduldulan sa mukha nito na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Sa kabila ng paulit-ulit niyang pagsasabi na hindi siya ahas at hindi niya inagaw si Luis kay Angel, siya pa rin ang sinisisi ng ilang fans ng Kapamilya actress kung bakit nawasak ang relasyon ng dating magdyowa.

In fairness, bilib kami sa tapang ni Jessy dahil hindi siya nagpapaapekto sa mga basher nila ni Luis, kahit na nga halos ipako na siya sa krus ng mga matataray na netizens ay nananatili pa rin siyang matatag at lumalaban.

“Kasi alam kong hindi totoo. Kapag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapektuhan,” ani Jessy sa panayam ng ilang entertainment media sa nakaraang anniversary presscon ng Kapamilya gag show na Banana Sundae.

“Siyempre meron naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao pero kapag negative na, huwag na lang. Mas masaya ang buhay, mas magaan kapag bibitawan mo yun,” aniya pa.

Hindi rin daw pang-aasar sa mga bashers ang pagpo-post niya ng litrato nila ni Luis habang magkayakap, “Spur of the moment lang. ‘Di ba kapag may nararamdaman ka, parang sige na nga post ko na nga. Nandoon na ‘yung wala ka ng pakialam sa iisipin ng ibang tao.”

At kahit na nga sandamakmak ang nangnenega sa relasyon nila ni Luis, nananatili pa ring strong ang kanilang samahan, “Okay naman, masaya naman kami. It’s peaceful. Sa isang bagay na ganito, kapag alam niyo na masaya kayo, alam niyong wala kayong sinasadya na bagay or sinasagasaan na tao, kapag malinis ang kunsensya niyo, just go on with your lives.

“At the end of the day, kami ang masaya. So kung anong negative na ibato sa amin, nasasalag ‘yun ng saya namin,” aniya pa.

Read more...