Kris ayaw tantanan ng kamalasan, 2 beses nang nabutata
AS WE write this ay obvious na ikinalungkot ni Kris Aquino ang ‘di pagkakatuloy ng kanyang one-on-one interview kay Pangulong Rody Duterte last Friday.
The plugs were heavy, maging ang kanilang paghaharap ay naka-advertise sa electronic billboard sa Edsa malapit sa Pioneer St., a block away from the TV5 Media Center on Reliance St., Mandaluyong City.
Inantabayanan pa naman ang panayam na ‘yon ni Kris hailed as her comeback vehicle on TV bilang host. Kahit ipalalabas ‘yon sa ibang channel—at hindi sa istasyong inakala ng lahat ay bago na niyang tahanan after ABS-CBN—ang makita siyang muli doing what she knows best and does best ay sapat na.
Para sa maraming naniniwala pa rin sa kakayahan ni Kris (isama na ang inyong lingkod), immaterial na kung saan siya mapapanood. Basta mapanood lang siya is what matters the most.
We could just imagine how dampened Kris’ spirit was.
That interview, had it pushed through, would have made history: makakaharap nga naman ni Digong ang kapatid ng dating Pangulo with whom he had ideological clashes, while Kris would have been able to come face to face with a President under whose term ay posibleng maihimlay ang mga labi ni Ferdinand Marcos—mortal na kaaway ng mga Aquino—sa Libingan ng mga Bayani.
Huwag na ang pagpapapayat at pagpapaganda ni Kris and all her other vain preparations, ang historical at career-related implications ng naunsiyaming interbyu na ‘yon sa parte ni Kris ang aming pinanghihinayangan.
Inaalat talaga si Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.