Tanong ng madlang pipol: Anak ba talaga nina Vilma at Edu si Luis?

edu manzano

MAY PUNTO rin ang katwiran ng mga nakakausap namin tungkol sa mga bashers ni Luis Manzano.

Hindi nababawasan ang mga bumibira sa aktor-TV host, nadadagdagan pa nga, dahil sa pagpatol niya sa mga bashers.

Tama lang namang idepensa ni Luis ang kanyang sarili at ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola, wala namang problema du’n, pero sana raw ay makipaglebelan lang ang aktor-TV host sa mga bumabatikos sa kanila ng dalaga.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Iba kasi ang pag-atakeng ginagawa ni Luis, e, pinepersonal niya ang mga bashers. Kung A ang bira sa kanya, dapat, A rin ang sagot niya!

“Kaso, too personal na ang ginagawa niyang attack, pinipintasan niya nang personal ang basher, kaya parang si Luis na rin mismo ang nang-iimbita sa mga netizens na upakan siya!

“Patolang masyado si Luis, hindi totoong nagpapairal siya ng maximum tolerance, mabilis siyang mag-react, maigsi ang pasensiya niya! At siya lang ang personality na alam kong physical kung mamintas ng kapwa niya!” madiing sabi ng aming kaibigang propesor.

Katwiran naman ng iba ay napakalayo ng ugali ni Luis sa kanyang mga magulang na sa kabila ng mga batikos na tinatanggap ng mga ito ay nananatiling marespeto pa rin.

Tanong ng isang source, “Anak ba talaga nina Edu at Congresswoman Vilma si Luis? Parang hindi. Parang ang layu-layo ng ugali niya sa parents niya!”

Read more...