IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na idedeklara ang suspensyon ng writ of habeas corpus na aniya’y dahil na rin ng patuloy na problema hinggil sa droga sa bansa.
Sa isang panayam sa government-run Radyo ng Bayan, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na droga pa rin ang dahilan sakaling ituloy ni Duterte ang bantang pagdedeklara ng suspensiyon ng writ of habeas corpus.
“The President is so worried already..so ‘yung pagbanggit po ng Pangulo ng suspension of the writ of habeas corpus. I believe that this is pertaining to our problem, to our problem in the illegal drugs here in the country,” sabi ni Andanar.
Ipinagtanggol din ni Andanar ang kabiguan ni Duterte na matupad ang kanyang pangako na tapusin ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan.
“Now, ito ay hindi nangangahulugan na tayo ay pumalpak sa ating kampanya sa iligal na droga. Ito’y nangangahulugan lamang na nadiskubre ng ating Pangulo ngayon lang na ganito kalaganap ang problema sa iligal na droga,” giit pa ni Andanar.
Tumanggi namang magkomento si Andanar sa tanong na mauwi sa martial law ang balak ni Duterte na isuspinde ang writ of habeas corpus.
“Ayokong pangunahan ang Pangulo kung ano ang mga kondisyones na kanyang lalagay sa, if ever na sinuspend niya ang writ of habeas corpus for the fight against illegal drugs,” ayon pa kay Andanar.
Hindi naman direktang masabi ni Andanar kung lalong lumala ang problema sa droga sa kabila ng
“Hindi pa na, hindi pa talaga siya, hindi pa talaga siya naso-solve dahil nga sa sobrang dami. It is not an overnight campaign. It is not a campaign that can be done in just six months and the President has already mentioned that,” ayon pa kay Andanar.