HINDI pa masasabi kung papalo sa P50 ang peso-dollar rate ngayong taon.
Ito ang nilinaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Gov. Diwa Gunigundo makaraang sumadsad nitong Biyernes ang halaga ng piso kontra dolyar, ang pinakamababa mula noong 2010.
Nasa P48 na ang palitan kontra dolyar.
Ani Gunigundo, kung pagbabatayan ang “economic fundamentals” ng Pilipinas ay walang dahilan para patuloy na tumaas ang halaga ng dolyar laban sa piso.
Aniya nananatili ang “paglago ng ekonomiya at maganda ang takbo ng export at imports ng bansa.”
Sa ngayon, giit ng opisyal, ang nagpapagalaw sa exchange rate ay ang negatibong sentimento sa labas ng bansa.
Kabilang aniya rito ang planong pagtataas ng interest rate ng US,.ang napipintong pagkalas ng United Kingdom sa European Union at pagbagal ng ekonomiya ng China.
Paliwanag pa ni Gunigundo, hindi maaaring hindi maapektuhan ng paggalaw ng mga nasabing ekonomiya ang iba pang emerging markets tulad ng Pilipinas.
Ang pagtaas at pagbaba ng currency exhange ay dedepende sa kung ano ang magiging development sa mga nasabing usapin, dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.