‘Kissing video’ nina Kathryn at Daniel na kuha sa Italy kalat na; Pooh nadamay pa

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla were caught kissing.

A video was posted in one Facebook fan page account where it showed Daniel and Kathryn smooching while on board a vehicle that would take them to the Kapamilya Fiesta World sa Rome, Italy.

Ang comedian na si Pooh ang kumukuha ng video at aksidenteng nakunan nito ang paghahalikan nina Kathryn and Daniel.

Kasama ring nakunan sa video sina Enchong Dee at Zanjoe Marudo. How did netizens react?

“Kala nila kahit nasa liberated country sila hindi sila kukunan ng pic.haha…kabataan nga naman.”

“Hulicam! Deny pa more! SOCO! Hindi nagsisinungaling ang ebidensya!”

“Hahaha…ikaw na talaga Pooh!”

“Walang masama sa video na ‘yun, nagmamahalan naman sila at wala naman silang inaagrabyadong tao.

Tigilan na ang walang kwentan isyu na ‘yan!”

‘Yan ang reactions ng madlang pipol sa Facebook fan page. May nagtanggol naman sa KathNiel at nagsabing nasa tamang edad na ang dalawa at alam na nila kung ano ang kanilang ginagawa kaya unfair na akusahan sila ng kung anu-anong masasakit na salita.

Isang netizen naman ang nagtanong kung si Pooh ba ang nag-upload ng nasabing kissing video. Ano raw ba ang motibo nito?

Any reaction, Kathryn and Daniel? You need to defend yourselves agad-agad pa hindi na lumala pa ang isyu.

Read more...