Kris umuwing luhaan, pinaghandaang interbyu kay Duterte nasayang lang

kris aquino at duterte

NAUNSIYAMI ang pinaghandaang panayam ni Kris Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Panay-panay pa naman ang pagpo-post niya ng mga detalye, parang blow by blow account pa nga ang ginawa niya bago ang dapat sana’y paghaharap nila, pero sa pinakahuling sandali ay hindi dumating ang pangulo.

Napakasakit nu’n para kay Kris dahil hindi naman ipinanganak ang plano nang magdamagan lang, mahabang panahon ng paghahanda ang ginawa ni Kris, may mga nakalaan pa naman siyang tanong sa ating pangulo na siguradong magbabalik sa kanyang pag-atake bilang TV host na pitong buwan nang hindi napapanood ng publiko.

Matindi raw ang migraine ni Ka Digong, sobra raw kasi ang higpit ng kanyang schedule sa katatapos lang nitong pagdalaw sa Malaysia, kaya hindi nakarating sa kanilang one-on-one ni Kris sa Go Negosyo.

Dalawang linggo pa namang nagdiyeta si Kris dahil siguradong papansinin ng manonood ang kanyang timbang pagkatapos nang mabaha-haba ring pahinga. Twenty six na nga lang daw ang sukat ng kanyang beywang ngayon.

Natural, ano pa nga ba ang magiging reaksiyon ng mga hindi nagkakagusto sa aktres-TV host kundi inaalat daw talaga ang kanyang career ngayon, kailangan na raw paliguin sa pulot si Kris para maipagpag ang kung anumang alat sa kanyang katawan.

Umuwi tuloy na luhaan si Kris.

Read more...