Jessy ayaw nang pumatol sa mga basher: Nakakapagod na rin kasi!

jessy mendiola

WALONG taon na ang gag show na Banana Sundae at bilang pasasalamat ng programa at ng ABS-CBN ay magkakaroon sila ng anniversary concert sa KIA Theater, Araneta Center, Cubao sa Nob. 17, Huwebes, sa ganap na 8 p.m..

Ang Banana Sundae ay binubuo nina Angelica Panganiban, John Prats, Jason Gainza, Pooh, Ryan Bang, JC de Vera, Sunshine Garcia, Badjie Mortiz Aiko Climaco, Jobert Austria, Jessy Mendiola at Pokwang.

Sa nakaraang anniversary presscon ng programa ay isa si Jessy Mendiola sa inulan ng tanong mula sa press, paritkular na ang tungkol sa planong guesting ni Angel Locsin.

Alam naman ng lahat na si Angel ay ex-girlfriend ni Luis Manzano na boyfriend na ngayon ni Jessy.
Nagtatakang tanong ni Jessy sa taga-Banana Sundae, “Hindi pa ba natuloy? Ay wala po kasi ako that time.”

Tinanong ulit ang aktres kung sakaling tuloy na ang guesting ni Angel ay present na siya sa taping, “Bakit naman po? Hindi naman po ako ang may hawak ng show eh, so susunod lang din po ako,” paiwas na sagot ni Jessy.

Paano kung magsama sila sa isang eksena ni Angel sa Banana Sundae? “Baka po maging drama. ‘Di ba, ayaw n’yo po ng drama? Bakit naman po hindi?” natawang hirit ni Jessy.

Anyway, hindi na pumapatol si Jessy sa bashers sa social media, napagod na raw siya kaya ang boyfriend niyang si Luis na lang ang sumasagot sa kanila, “May mga bagay lang talaga na hindi napipigilan. Kapag napipikon na, ‘yon, doon na sumasagot. Pero hindi naman lagi. Siguro ‘pag sobra lang talaga.”

Read more...