KathNiel niregaluhan si Vice ng mamahaling bag, sapatos

kathryn daniel at vice
TUWANG-TUWA ang Unkabogable Star na si Vice Ganda nang matanggap na niya ang regalo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula sa Rome, Italy.

Ibinandera talaga ng TV host-comedian sa kanyang Instagram at Twitter accounts ang mga mamahaling regalo na natanggap niya mula sa KathNiel na aniya’y itinuturing na rin niyang mga anak-anakan.

Nag-thank you si Vice kay Daniel sa iniregalo nitong Prada bag habang super happy naman siya sa Gucci shoes na ibinigay ni Kathryn.

Kababalik lang sa bansa nina Daniel at Kathryn mula sa Italy para sa isang Kapamilya show kasama sina Pooh, Zanjoe Marudo at iba pa.

At tulad nga ng nai-promise nila kay Vice pasasalubungan nil ito ng espesyal na regalo pagbalik nila sa Pilipinas. Pasasalamat na rin daw nila ito sa TV host sa walang sawang pagsuporta sa KathNiel.

Read more...