Kapamilya teenstar sumobra ang taba kaya biglang nawala

manolo pedrosa

NAWAWALA si Manolo Pedrosa, ang tinaguriang Wonder Son ng Quezon City sa Pinoy Big Brother All In (umere noong April 2014).

Huling kita namin sa batang aktor ay sa launching niya bilang endorser ng BNY clothing line kasama si Sofia Andres.

Nabanggit sa amin ng isang kakilala na alam daw niya kung nasaan ngayon si Manolo, “Naku, hindi mo alam? Sobrang taba ngayon ni Manolo as in super to the max!”

Anong klaseng “sobrang taba”, balik-tanong namin sa taong malapit sa binatilyo? “Sobrang taba nga po, para siyang ‘yung kapatid (Clarence Delgano) ni Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home,” diin sa amin.

Nagulat kami dahil nu’ng huli naming makita ang binata ay medyo fit pa ito. Ibig sabihin, napabayaan niya ang kanyang katawan kaya siguro na-lie low muna sa showbiz.

Tanong namin sa aming kausap, bakit siya tumaba, anong nangyari? “Baka po na-depress kasi walang project. O, baka tamad mag-exercise,” sabi sa amin.

Read more...