Paolo rarampa sa Kapuso Mo Jessica Soho

paolo ballesteros

TAMPOK  si Paolo Ballesteros sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong gabi.

From the man of your dreams to the woman of your fantasies, wala nga yatang hindi kayang gayahin ang master of make-up transformation na si Paolo. Kamakailan lang, rumampa ang TV host at actor bilang Angelina Jolie at Julia Roberts sa Tokyo International Film Festival kung saan hinirang siyang Best Actor para sa pelikulang “Die Beautiful”.

Makikitsika ang KMJS kay Paolo tungkol dito. Anu-ano nga ba ang hindi malilimutang eksena ng Eat Bulaga host sa pagrampa niya sa TIFF?

Bukod dito, umaasa rin si Paolo at ang direktor ng “Die Beautiful” na si Jun Lana na makakapasok ang kanilang pelikula sa walong officials entries ng 2016 MMFF. Kung mangyayari ito, dalawa ang magiging entry ng Make-up Transformation King sa filmfest, ang “Die Beautiful” to be released by Regal Entertainment, produced by Ideal First and Octobertrain Films at ang “Enteng Kabisote 10” ni Vic Sotto.

Samantala, isang wedding proposal ang literal na nagpahinto ng traffic. Ginanap kasi ito sa gitna ng intersection sa Calamba, Laguna. Ang pakulo ni Mikki, kunwari’y masisiraan sila sa gitna ng kalsada at huhulihin pa ng traffic enforcers. Ang ‘di alam ng kanyang kasintahang si Che-Anne, isang wedding proposal na pala ang naghihintay. Tunay nga na kayang sa traffic, may forever?

At noong nakaraang linggo, itinampok ng KMJS ang kwento ng 97-anyos na si Lolo Alfredo Salavera—ang lolong nag-viral sa social media na ang tanging birthday wish ay makita ang kanyang asawa at anak na mahigit limang dekada nang nawalay sa kanya. Matupad na nga kaya ang wish ni Lolo?

Ilan lang ito sa mga kuwentong dapat abangan tonight sa Kapuso Mo, Jessica Soho, after Hay, Bahay! sa GMA.

Read more...