Reunion movie nina Sharon at Gabby kasado na

sharon cuneta at gabby concepcion

NGAYON pa lang ay atat na atat na ang loyal fans ni Sharon Cuneta sa napabalitang reunion movie nila ni Gabby Concepcion.

Sa isang video na ipinost ng Megastar sa kanyang YouTube channel, kinumpirma niyang malaki ang posibilidad na makagawa uli sila ni Gabby ng pelikula.

“Actually the Sharon-Gabby movie is scheduled for very soon. It doesn’t depend sa akin lang or sa Star Cinema lang siyempre it will depend on Gabby, it will depend on the producers, it will depend on the demand,” esplika ni Sharon.

Ibinalita rin ng mommy ni KC Concepcion na baka raw wala siyang birthday concert sa January, 2017 dahil magiging busy na nga siya sa gagawing TV show at pelikula under Star Cinema.

Read more...