Pakontrobersyal na aktres pinagtatawanan ng kapwa-artista

BLIND ITEM  FEMALE 0318

PINAGTATAWANAN sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang isang nagkakaedad nang aktres na dati nama’y walang pakialam sa publisidad pero ngayon ay mukhang nagiging KSP (read: kulang sa pansin).

Palagi kasi siyang nagpapakontrobersiyal, mahilig siyang mag-post sa kanyang mga social media accounts ng kung anu-anong kuwento, kahit ano na lang ay inilalabas niya para lang may makapansin sa kanya.

Miyembro ng Mema Society ang nagkakaedad nang aktres na ang ibig sabihi’y grupo ng mga personalidad na me masabi lang. Kahit ano lang, kahit walang kawawaan, basta may masabi lang.

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka na si ____ (pangalan ng nagkakaedad nang aktres) ngayon, ibang-iba na siya sa dati na walang pakialam kung meron o wala man siyang publicity.

“Dati, mailap pa nga siya kapag may gustong mag-interview sa kanya, e. Wala raw naman siyang ginagawa, hindi na raw naman siya active sa pag-aartista, kaya huwag na lang daw.

“Napakasimple lang niya nu’n, pero ngayon, e, ibang-iba na siya! Nu’ng makatikim siyang maging controversial, e, nasarapan na siya! Gumagawa na siya ng mga paraan para palagi siyang mapansin!

“Wala lang, basta may masabi lang siya, kaya nga ang biruan ng mga taga-showbiz ngayon, e, siya na ang presidente ng Mema Society. ‘Yun ang grupo ng mga artistang say nang say ng kahit ano, basta mema lang,” natatawang kuwento ng aming impormante.

Impernes, palagi naman siyang may proyekto ngayon, kaya nga lang ay namimili na siya ng gagampanang papel, hindi na kasi siya pambida na tulad nu’n.

“Naku, hindi na talaga, nawala na ang maganda niyang katawan, dumoble na, waley na ang body niyang super-beautiful nu’n!” sundot uli ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang nagkakaedad nang female personality na ito, kaya goooooo na!

Read more...