Sarah waging Best Asian Performer sa 2016 Classic Rock Awards, Tokyo

sarah geronimo

MULI na namang nagbigay ng karangalan sa bansa ang Pop Princess na si Sarah Geronimo matapos magwagi sa nakaraang 2016 Classic Rock Awards sa Tokyo, Japan nitong nagdaang weekend.

Si Sarah ang nakasungkit ng Best Asian Performer award sa annual Classic Rock Awards, at personal niyang tinanggap ang kanyang tropeo sa nasabing event na ginanap sa Ryogoku Kokugikan Stadium, Tokyo.

Pinalakpakan din nang bonggang-bongga ang performance ng Kapamilya singer-actress kung saan nakasama niya ang isa pang Kapamilya singer na si Bamboo. Ilan pa sa nag-perform sa Classic Rock Award 2016 ay sina Joe Perry, gitarista ng Aerosmith at ang miyembro ng Megadeth na si Dave Mustaine.

Nitong nakaraang Setyembre, nominated din si Sarah para sa kategoryang Best Southeast Asian Act sa MTV Europe Music Awards. Matapos ang halos tatlong buwang pamamahinga, balik-trabaho na uli si Sarah, busy siya ngayon sa promo ng kanyang latest album.

Read more...