Ritz, Ejay malakas ang dating bilang loveteam

EJAY FALCON AT RITZ AZUL

EJAY FALCON AT RITZ AZUL

CERTIFIED Kapamilya star na si Ritz Azul dahil sa mga sunud-sunod na apperances niya sa mga programa ng ABS-CBN. Mapalad si Ritz dahil nagawa niyang magtrabaho sa tatlong TV stations, huh!

May talent naman kasi si Ritz bukod sa angking ganda niya kaya hindi kataka-taka kung nagawa niyang umikot sa tatlong TV networks. Una naming napanood si Ritz sa Ipaglaban Mo bilang bulag na naging rape victim.

This Saturday, mapapanood si Ritz sa award winning drama anthology na Maalaala Mo Kaya. For the first time, magtatambal sila ng isa sa hottest leading men sa Kapamilya network na si Ejay Falcon.
In fairness, based on the trailer mukhang may chemistry on screen sina Ejay at Ritz. Mukhang may kapalit na nga si Ellen Adarna, huh! Malamang after this, masusundan pa ng isang malaking proyekto sina Ejay at Ritz.

Ang huling balita namin ay nagsisimula na ang taping para sa bago nilang serye sa Dos kasama si Paulo Avelino.

Kyut ang episode nina Ejat at Ritz sa MMK na mapapanood ngayong Sabado sa ABS-CBN. May forever nga kaya para sa babaeng dominante portayed by Ritz at lalaking torpe na gagampanan naman ni Ejay?
Kaya huwag palampasin ang Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Read more...