Yeng umaming hindi pa sila close ni Vice: Kasi nai-starstruck pa rin ako sa kanya!

YENG CONSTANTINO AT VICE GANDA

YENG CONSTANTINO AT VICE GANDA

AMINADO si Yeng Constantino na hindi sila close ng kapwa niya hurado sa Pinoy Boyband Superstar na si Vice Ganda. Napapansin kasi ng televiewers na madalas ay magkasalungat sila ng opinion ni Vice sa mga contestant.

Nakikita rin sa mga mukha nila ang pagkadismaya sa opinion ng bawa’t isa.

“Hindi naman,” tanggi ni Yeng. “Pero ako kay Vice, kami ‘yung tipo na very casual kami. Aminin ko kasi, talagang nai-starstruck pa rin talaga ako sa kanya hanggang ngayon. Medyo nahihiya pa rin ako sa kanya. Kahit halos everyday kaming magkasama sa Showtime, hindi kami ‘yung chummy-chummy talaga. Very casual lang.”

Hindi siya nadidismaya kaya may comment na negative si Vice sa bet niyang contestant. Kung anuman daw ang opinion ni Vice, opinion niya ‘yun.

“Wala namang tensyon. Hindi lang siguro ganoon ka-close ‘yung relationship namin ni Vice. Pero hindi kami nag-aaway. And I believe that relationships are parang nade-develop through time. At hindi ‘yan pinipilit. Kung sakaling maging close (kami), ‘Ay, ang saya-saya ko naman!” lahad pa ni Yeng.
Nakausap namin si Yeng bago ang “Divas Live In Manila” concert nila kagabi na ginanap sa Araneta Coliseum. Nakasama niya rito ang mga kapwa niya Cornerstone artists na sina Angeline Quinto, Kyla at KZ Tandingan.

“Ang sarap nga ng concert apat kami. Sa amin po ‘yung sequence na makikita ninyo sa concert hindi po kami ‘yung nag-demand or nag-pwesto sa sarili namin doon. It’s more of the management’s decision. So, kami obey, syempre,” ngiti ni Yeng,

Ang “Divas Live In Manila” ay mula sa Cornerstone Concerts at Star Events with major sponsors Belo Medical Group, Silka and AOR Studios. Naging special guests nila sa concert sina Regine Velasquez, K Brosas and Jaya.

Samantala, nalaman din namin from Yeng na hindi na sila matutuloy ng kanyang asawang si Yan Asuncion sa New Zealand next month. Instead, isang safari adventure ang gagawin nila.

“Hindi naman siya nagtampo. Tinanong ko sa kanya, ‘Okey lang ba Love?’ kasi parang kasi gusto niyang mag-hiking. Natakot ako, parang ‘yung banyo, saan ka mag-pooh-pooh doon? Parang inisip ko na lang hindi ko yata pumu-pooh sa jungle, sorry! Ha-hahaha!”

Sensitive raw kasi si Yeng kapag nagba-banyo. Okey lang daw ang hike sa kanya kung one day lang then balik sa hotel, “Nu’ng sinabi ko ‘yung concerns ko sa kanya sabi niya, ‘Ah, sige. Maybe we could try that next time.’ Pero hindi pa rin ‘yun naaalis sa list. Parang gagawin pa rin namin ‘yun.”

Another thing na hindi rin matutuloy ay ang paggawa nila ng baby sa Africa. May project na raw kasi na pinag-uusapan ang ABS-CBN para kay Yeng. Kaya na-move ulit ang paggawa ng first baby nila next year.

Again, okey lang kay Yan ito bagaman nag-aalala siya para sa kanyang misis dahil hindi na rin naman daw ito bumabata. Three years from now, 30 na si Yeng kaya medyo worried na si Yan for her.

Read more...