Jessy payag maging kaibigan ni Angel: Basta kung saan siya masaya!

JESSY MENDIOLA AT ANGEL LOCSIN

JESSY MENDIOLA AT ANGEL LOCSIN

TO celebrate the 8th anniversary of Banana Sundae ay may pasabog na anniversary show ang grupo sa KIA Theater sa Nov. 17 kasama sina Angelica Panganiban, Jessy Mendiola, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC de Vera, Jobert Austria, Sunshine Garcia at Aiko Climaco.

Sa presscon ng Banana Sundae for its anniversary show ay natanong si Jessy kung okay lang sa kanya na makatrabaho ang ex-GF ni Luis Manzano na si Angel Locsin, Jessy said, “Di ko alam kung posible. Di ko sure.”

But she said posible naman silang maging magkaibigan ni Angel, maliit lang naman daw ang mundong ginagalawan nila lalo’t nasa iisang TV network lang sila, “I’m not saying na talagang chummy na friends, pero, di ba, panahon lang ‘yan? Para sa akin talaga, kung saan siya masaya, okey, kung saan ako masaya.

“May kanya-kanya kaming buhay, so parang it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa’t isa para sa wala, o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat,” she added.

When asked kung papansinin o babatiin ba niya si Angel kapag nakasalubong niya ito sa ABS-CBN? “Bakit naman hindi?” diretsong sagot ng aktres.

Read more...