Matteo iwas na iwas sa ex-dyowa, baka raw magselos si Sarah

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

IWAS na iwas pala si Matteo Guidicelli sa kanyang leading lady sa pelikulang “Across The Crescent Moon” na si Alex Godinez.

When they were in their teens pala ay naging girlfriend niya si Alex. Marami ang nakapansin na super formal at parang iwas na iwas si Matt kay Alex during their shooting. Eh, magkabarkada naman raw sila at may past pa.

Hindi kami sure kung aaminin ni Matteo na past GF niya si Alex.

May boyfriend na si Alex na very cool about sa pairing nila ni Matteo. Balewala lang daw sa BF kung magkasama ang dalawa. Mukhang hindi seloso ang BF ngayon ni Alex.

Ang chika, kaya raw umiiwas si Matt kay Alex ay dahil selosa raw itong si Sarah Geronimo.

In his latest interview ay sinabi ni Matteo na gusto niyang pakasalan si Sarah in his native Cebu.

Mukhang pinag-iipunan na niya ang plano niyang pagpapakasal sa dalaga. Marami tiyak ang kikiligan kapag nauwi na sa simbahan ang relasyon nila ng Pop Princess. Aprub na aprub kasi si Matteo sa fans ni Sarah and so far, walang rough edges sa kanilang relasyon.

Read more...