Duterte lucky charm ni Kris sa pagbabalik-TV

KRIS AQUINO AT RODY DUTERTE

KRIS AQUINO AT RODY DUTERTE

IPINOST ni Kris Aquino kahapon sa kanyang Instagram account ang good luck message sa kanya ni Vice President Leni Robredo para sa interview nito kay Presidente Digong Duterte.

“Sweet of you to text me. Will do my very best to exceed expectations,” tugon ni Kris kay VP Leni na naka-post din sa IG.

“Her good wishes touched my heart. Thank you VP @lenirobredo.” Caption ng Queen of All Media.
Sa IG post naman ni Rams David, President ng Triple AAA na siyang humahawak ngayon sa showbiz career ni Kris, magkasama sila ng TV host sa loob ng eroplano pero wala ng ibang detalye tungkol sa biyahe nila.

Gaya ng unang nabalita, markado ang 11/11/16 kay Kris. Matapos ang termino ng kapatid na si Noynoy Aquino, sa petsang ito sila unang nagharap ni P-Digong. Kaya interesting panoorin ito.

Siguradong inabangan ng mga Pinoy ang one on one interview na ito ni Kris kay Digong na napanood nga kahapon sa PTV4 at sa TV5. Meaning, binuhay muli ni Duterte ang natutulog na hosting career ni Kris. So, si Duterte pala ang magsisilbing lucky charm ni Tetay sa pagbabalik niya sa TV?

Read more...