Tintin sa basher ni Oyo: Kung sino ka man, tigilan mo ang asawa

KRISTINE HERMOSA AT OYO SOTTO

KRISTINE HERMOSA AT OYO SOTTO

GRABENG pamba-bash ang inabot ni Oyo Sotto galing sa isang Twitter handler named @batugansioyo.

“Yes they are blessed with Vic’s money. Hahaha I don’t know lampas 20 years old, dependent pa rin sa tatay. Sino ba ang nagbigay sa kanila ng business. Eh wala ngang career at walang na-achieve sa buhay.

“Nakailang lalaki na ba mama mo? Dimump pa nila Echo and Diether! Hahaha.”

“Kung nagsasabi ng totoo inggit agad? Oy magagalit si God niyan tinatawag mo sila ng inggit. Akala ko ba Christian ka? Hahahaha. hindi ba nainis lang kami kasi napaka useless ng buhay niyo at sore eyes sa mga taong hard working. Lol sex lang kayo ng sex!”

‘Yan ang aria ni @batugansioyo. Halatang ginawa lang ang Twitter account na ‘yon para lang asarin si Oyo.

Hindi nakatiis si Kristine Hermosa at hinamong magpakita sa kanya ang basher.
“@batugansioyo kung sino ka man, tigilan mo ang asawa ko!!!! Kung wala kang magawang makabuluhan sa buhay, wag kang mang istorbong buhay ng iba!”

“Ano bang problema mo sa asawa ko???!!! Bakit ganun na lang ang pag aabala mo na gumawa ng ibat ibang account para lang makapang bash??!!!! Kung talagang matindi ang galit mo, humarap ka sa amin ng personal hindi puro comment lang!”

“Since you’ve got so much hate, I’d like to meet and talk with you personally. I’m in Alabang area. Tell me about your hate I’ll tell you my story. Thanks. Let me know.”

‘Yan ang mahabang hanash ni Kristine.

Nakakaloka nga na tila matindi ang galit ng basher kay Oyo. Ano kaya ang nagawa nitong kasalanan at ganoon na lang niya pahiyain ang actor pati na ang asawa nito.

Read more...